r/PanganaySupportGroup • u/iceYapgurl • 12h ago
Support needed HOPING GOOD THINGS WILL HAPPEN WITH MY MOTHER
sorry hindi ko alam saang community to dapat. :(
Hi guys, my mother was terminated from her job in HK kasi lilipat na daw sa smaller house yung mga amo niya. Ang alaga ni mother ko is their dog & works as a helper na din sa house. Ang reason ng pag terminate din is di na daw pwede ang pets sa lilipatan nila at di na need ng help from my mother. From what ive learned, in hk di na nagbabayad ng tax kapag pet owner ka kaya kumuha ng dog yung mga amo niya & the dog was somehow not properly taken care of by the owners. Kaya ang sakit kay mama ko na ipapa adopt lng nila yung asong inalagaan nya and kasama niya everyday (umiiyak siya ilang araw na kasi malapit talaga si mama sa mga aso) + wala ng gusto maghire sa mother ko because of her age daw (53 y/o) & they listed her as TERMINATED WITH GOOD REASON (which makes it even harder for her to apply).
Kailan lang ninakawan din siya ng kapwa pinay niya sa dorm nila ng mga alahas pinag invest-an niya talaga, to the point na siya pa nagmukhang masama dahil humingi siyang help sa pulis. her friends din left her because of that. Yung mga alahas na yun is for her retirement din sana kasi pangarap niyang makapagbukas ng bakery or karinderya sa province. Eto yung savings na din niya kaso nawala to :(
Three kaming magkakapatid, my ate has a work pero minimum ang bayad sknla sa ngayon since nagclose din ng work sa ibang clients nila sa ibang bansa. I have a work here in Manila pero di pa kaya ng salary ko iprovide ang daily needs (elec, food, allowance) nila mama if ever na mapauwi siya ng pinas. Ako ang nagpapa aral din sa kapatid ko and nagbibigay ng baon niya, Grade 9 na din siya. Ayaw din muna ni mama na umuwi siya kasi hindi pa nakaka tungtong ng college yung bunso. Nasabi ko din naman sknya na pwede naman siyang umuwi kung gsto niyang mag open na sya ng business niya pero wala pa daw siyang pang puhunan. Di rin kaya ng pera ko na mag open ng business sa salary na meron ako ngayon.
If you know any work in HK for domestic helpers na hindi nagbbase sa age po, please help us po. So desperate lng po na dito na ako nagtatanong. My mother is an OFW since her dalaga days and i can say na magaling na siya sa ganto. She started from being a "yaya" sa mga bata, not just one but 9 kids and eventually switched to dogs kasi mas easy daw silang alagaan. Nataon lng din talaga siguro na di nag align ang fate ngayon sa family namin, hoping good things will come soon. :(