r/PanganaySupportGroup • • Dec 21 '21

Discussion Ewan ko na.

0 Upvotes

Hello! Musings lang ng isang panganay na may tatlong kapatid.

Hindi ba sobrang classist and elitist kapag sinasabi nating kailangang financially stable bago magkaron ng anak? So I guess bawal na magreproduce ang mga mahihirap and indigenous peoples natin kagaya ng mga Lumad at Aeta? Fucked up shit of you ask me.

Hindi ba ang kahirapan and kultura ng dependence ay systemic? Bakit hindi naton ituon ang galit natin sa gobyerno na nangongolekta lang ng buwis pero walang maiprovide na maayos na social services? Medyo unrealistic? Ok, pero hindi ba mas unrealistic ang pagpreach natin na kung mahirap ka, 'wag ka mag-anak nang mag-anak?

Hindi ko alam if puwede 'to sa sub, pero sobrang ma-appreciate ko ang mga sagot niyo. Thanks!


r/PanganaySupportGroup • • Aug 22 '21

Vent Wakeup call sa too entitled ppl out here

0 Upvotes

Yung motto here is fin indepence basically. Children slamming prents for not planning well kaya need suportahan pagtanda. We call them parasites and poor planners. Bad boomers. Well well, mag introspect tayo kasi minsan tayo din poor planners. I have come across posts here na old na sila (adults and graduated) and capable of paying bills themselves yet still expecting their aging parents buhatin sila. Sizts and dudes, need din nila mag invest for retirement. If tapos ka na sa college and you're more than 22 juskooo magbukod ka na or atleast be responsible for yourself and your bills kung nakikitira ka sa parents. Di one way ang mundo. If we expect something from others, we need to be reliable din. Try nyo maging fair and objective. Baka yang parents nyo e di sinasagot pang dentist nyo kasi umaaray na sila sa bills sa bahay kasi you're not contributing. Baka sinasadya kasi gusto makaramdam ka. Wake up call na magcontribute ka sa bills and carry yourself.

I am for fin independence and learning how to manage money, I slam parents, I slam adults. Hindi kasi fair yung napakalambot nyo sa parasitic sons and daughters pero sa parents napakahard. Hindi fair. Ask both to standup and do their share.

Parasitic means nakikitira tapos di nagbabayad/nakikishare ng bills. Di porke di ka humihingi ng pera sa kanila e di ka na parasite. Zoom out gurl, kumakain ka and you use resources, live in their house, and these are not free in the real world.

About the "pandemic kasi" argument, please remember we are all sharing the same risks-- vulnerable tayo lahat. Parents are not invincible, they can lose work, too. Very sound step ang iencourage magcontribute ang financially capable adults sa household para di magcollapse yung kumikita. As panganays dapat alam na yan. And who knows kelan matatapos pandemic? For all we know this could go on for years more. Tolerating capable adults na not contributing could be a life sentence to some. Again, hindi satin umiikot ang mundo. WAKE UP!

Edit: Some people are saying "kaya nga support group e". Lols go tolerate them. You're rearing future manipulative parents you hate so much. Go enjoy the cycle. Weeee!

(Gleeful exit)


r/PanganaySupportGroup • • Dec 18 '22

Advice needed Dad problems

0 Upvotes

For context, our family is complete and i have 5 younger siblings. And halos kaming lahat not in good terms with our father.

For me, yes mabait sya. Ang problema ko is he’s not working hard enough to provide for our family. Imagine we are a family of 9 (including his mom) tapos minimum wage ang sinasahod.

Yung mama ko yung todo kayod makapagprovide lang for our family. In times na nadedelay yung sahod ng tatay ko parang wala lang sa kanya kase andyan lagi yung nanay ko na sasalo ng responsibilities nya.

But when he has the money, puro luho nya lang inaatupag nya - clothes, bike, motor. Pero kapag nanay ko naman yung nagka extra, puro kami yung una nyang iniisip.

I hate the fact that he is so selfish and letting my mom work so hard to provide for us.

Sad part, nagkakasakit na yung nanay ko and di makapag pacheck up dahil inuuna nga kami.

I know hate is a big word but that is what i feel right now. Pinipigilan ko lang yung sarili ko na sagutin at sumbatan sya kase after all he is still my father.


r/PanganaySupportGroup • • Sep 01 '26

Advice needed how do you disappear?

Post image
0 Upvotes

Not in a alarming way but for context, I (F24) recently got cheated on. I haven't cut all ties with him and his family yet. Ldr kami, so the connection I have with his side is purely online lang. Nagtago si ex for a while and recently, nakita kong he has been stalking me and checking my account religiously. I was posting how happy I was without him (ngayon, nalaman ko na defense mechanism lang pala 'to just to prove a point to my ex how "unbothered" kuno I am hahahah) Did it feed my ego? Siguro, a bit. Pero ayoko na magpa-apekto sa'kanya further. So, I deleted most of my social media, ghosted everyone, kept my lines open lang sa mom and sister ko.

Now the dilemma is how do you disappear totally? How do you actually maintain the lowkey and private life as someone na nasanay mag-overshare at ginawang diary ang social media 😅 Any hobbies, sidequests that made you detach online?

I feel like nagtatampo din yung iba kong friends sa pagkawala ko online (prior to my disappearance, I told them I don't have the energy pa talaga to go out). How do you deal with that?

Btw, I'm a fresh grad so I took the time offline to work on my resume and portfolio. I'm currently on the job hunting phase pero may itch pa rin talaga minsan to document and post my journey for the memories.

I am liking the peace of not having to care who my viewers are or what they would think. I would like to maintain that for now and sana makasanayan ko na rin.

Sorry kung medyo magulo, but I would love to read your advices and tips, thanks everyone! 🫶🏻


r/PanganaySupportGroup • • Apr 17 '22

No Advice Based sa observation ko after exploring the posts in this sub. Halos lahat ng problema ang main rason ay ang pagiging Martyr ng mga nagpopost. Tama nga ung isang user na panay comment ng "You deserve what you tolerate"

0 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • Nov 12 '22

Positivity Siblings story, best kuya!

0 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • Nov 22 '22

Support needed from family of successful IT people but I am bot successful. help

1 Upvotes

have come from a family of IT field people. My parents are both senior and manager developers in their own respective companies.

I am a 23 year old just barely starting out.panganay ako so high expectations. I have done freelance wordpress works when I was 18. And worked for a small company for almost 3 years. My regret is I did not leave because I enjoy the job, it is chill, and I think it made me stagnant.

Comparing to my parents who are both successful and earning about 200k per month while ako around 55k per month lang. I felt inadequate compared to them. I know they want me to be successful. Mahal ko parents ko pero minsan nasasaktan ako sa judgment and comparison. Hehe.

Di naman talaga ako ganun kagaling na dev. I have a good basic understanding naman in front end and back end development pero wala dun yung passion ko eh. I think I would be great if I put more work and actually learn pero wala eh. Di ko ganun ka gusto ang development. Parang mas bagay sakin QA.

But I got an offer as a Senior Support Engineer with compensation of 70k per month sa isang US company. Dev related pa din siya because you need good grasp of how to install, configure and manipulate yung software nila. I want to accept it and frankly, I think it is good fit for me and senior role agad inoffer sakin due to my knowledge and expertise.

Pero man my parents made me feel small kasi if di ka dev wala kang kwenta. Sila kasi yung type ng tao na mababa tingin sa BPO call center/support roles.

I also refused their job reccomendations from friends kasi stubborn ako kahit malaki sweldo and I dont want to attribute my success to them. I want it to be on my own merit.

Idk i guess gusto ko mag work hard on my own not through nepotism. Haha.

They make me feel like panget yung career decision ko. I need advice. I know I would love this job and even if I didnt charge to experience naman. Passionate ako sa pagtroubleshoot ng problems, helping people kahit nakakairita or they ask stupid questions lol

Di naman ako naghihirap. I am financially stable naman. Pero ang hirap maging anak nila haha.

EDIT:

Hindi kami mayaman. 10 years ago lang nung nagstart gumaan ang buhay namin. My parents were able to land good jobs, secure a house and everything.

Di ako graduate from a well-known University ng mayayaman. Hahahaha sa STI po ako.

I get that this post may sound privileged rich kid story pero di kami mayaman. Siguro recently lang guminhawa buhay namin and thankful ako sa blessinga na binigay ni Lord.

More on emotional struggle talaga to. I dont have a lot of confidence about myself din. I was born sa domineering parents na mataas ang expectations. I felt judged all the time by them. Pleaser din ako so I did what they tell me to do and what would please them.

Pero ayun. Nasa point nako na gusto ko na magdesisyon for myself. Plan ko na rin to secure my own place and move out. Medyo natatakot lang kasi baka magfail.


r/PanganaySupportGroup • • Apr 18 '26

Advice needed Hindi ko kailanman hinusgahan o huhusgahan ang mga babaeng nasa ganitong klaseng work

0 Upvotes

Never ko hinusgahan ang mga taong pinili ang ganong klaseng line of work to earn money. Because not everyone has the same choices or circumstances. Iba iba din tayo ng situation sa buhay. Ang hirap lang i-open ang ganitong klaseng trabaho sa hindi malawak ang isip e. That's still a decent job. Wala kang inaapakang tao. Ang hirap ng buhay ngayon, kumbaga sariling diskarte nalang tayo basta legal ba.

Kaya naisip ko din na what if i-try ko? Kasi meron dito malapit sa may amin lang tho hindi siya kalat na parang they're hiring. May nagsabi lang sa akin. Kasi sa ngayon, eto palang grasp ko na pwedeng pag trabahuan agad kasi need ko agad ng pera for school. Sa iba kasi ang haba pa ng process and need pa mag bayad ng training. Hindi ko kaya kasi wala akong pera.

So pinag iisipan ko talaga if kukunin ko yung work na yun. Nag hehesitate lang ako sa mga what ifs. Alam ko naman kasi pros and cons. Delikado din kasi what if may mangyaring masama sa'kin diba? Ewan ko, tangina ang hirap maging mahirap. Gusto ko nalang tanggalin sa dibdib ko yung bigat everyday I wake mabigat dibdib ko sa mga bayarin na 'yan. Tapos laging may constant reminder sa akin na kung hindi galing sa magulang, sa kapitbahay naman galing na ga-graduate na ako kaya pag igihan ko daw kasi ako pa naman daw panganay sa amin.

Tapos magkaka gulo na sa utak ko kasi halo halo na iisipin lol hahahha. Tapos pag may pep talk ang fam, lagi nila nasisingit na if maka hanap ako ng work after ko mag graduate, ako na mag papaaral sa mga kapatid ko, and prolly shoulder the bills also. HUHUHU pwede bang teka lang nag iisip pa ako paraan pano mabayaran ang lahat.


r/PanganaySupportGroup • • Dec 30 '22

Positivity Napakasarap maging panganay

0 Upvotes

Tayong mga panganay ang pinaka maraming opportunities para maging mas matatag at responsableng tao.

Responsibilities are a blessing, di pala yan limitasyon sa buhay.

Looking back akala ko ang purpose ng buhay ay maging masaya at gawin lahat ng gusto. Wala palang fulfillment sa ganung klaseng buhay.

Now na nagstart na ako iembrace ang responsibilities ko, di na empty ang pakiramdam ko. Mas may purpose ako. Im starting to live a real life


r/PanganaySupportGroup • • Jun 02 '25

Advice needed Ayoko na sa bunso ko

1 Upvotes

20F panganay here. I need advice po kase di ko na maconvince yung bunso ko lumabas sa bahay. 15M yung bunso ko. Last year second semester na sya nag shut in sa bahay. Saka lang lalabas kapag utosan ng magulang. Over time lumala yung problema. Sinubukan ni papa tanggalan ng lock yung kwarto pero hinarangan ni bunso yung pinto sa loob nang kwarto niya. Halos 1am na matulog matapos mag pc games mag araw, 2pm na lalabas sa kwarto para maglaro nang pc games.

Nag suggest yung kaibigan ni mama na dalhin sa psychiatrist. Ayaw daw niya. Bigyan daw 500, sumang ayon si mama, tapos nag back out ulit, ayaw daw talaga niya. Scam daw.

Mahal ko yung kapatid ko, dalawa lang kami at tumatanda na parents namen. Ayokong lumala pa yung issue niya. Nag mamakaawa na ako sa kanya pero ginawa niya lang biro yun.


r/PanganaySupportGroup • • Oct 31 '23

Advice needed LUNOD NA LUNOD NA SA PROBLEMA!!!! NSFW

0 Upvotes

Hi Guys pano makaahon sa lunod na lunod na ko I feel so helpless ;(


r/PanganaySupportGroup • • Apr 25 '24

Advice needed how do i introduce my bf to my parents?

0 Upvotes

hello! panganay here!

never pa ako nagka experience with formally introducing my bf to my parents (pati yung siblings ko) so ako talaga yung guinea pig for this 🥹

for context: 5 years na kami ng bf ko, 13 years old palang magjowa na kami pero my parents didnt approve at the time so pinamukha ko na nagbreak kami.

now, gusto ko siya i-reintroduce now na 18 years old na ako :”)

how should i do this? takot kasi ako eh huhu e nasa bad place pa naman kami ng mama ko kasi nag-away kami recently, pero ayoko na mag-intay


r/PanganaySupportGroup • • Oct 14 '24

Resources 50k debt of my mom, will be paid by the panganay

1 Upvotes

Hello! [22F]

I'm a fresh graduate, panganay, and (soon to be breadwinner), and I didn't know na lubog pala kami sa utang. I know na may utang kami pero hindi ko lang in-expect na malaki pala. My mom borrowed money online, and hindi na nabayaran kaya I'm pretty sure na lalaki pa iyon because of the interest. I'm still unemployed and still looking for work (utang niya ang pa-birthday sa akin kahapon, Oct. 13)

I need ₱50,000 na mahihiram, urgent dahil malaki ang interest kapag online loan/lending.

My plan is, if makakahiram ako ng ₱50,000, and kapag may work na, I'll pay ₱3,500 to ₱5,000 a month hanggang sa matapos.

Any advice po? Or baka may maire-recommend po kayo na pwedeng mahiraman. Super badly needed lang po talaga.


r/PanganaySupportGroup • • Dec 02 '23

Support needed | No advice Mom stopped caring cos I'm a working gal

2 Upvotes

So I recently started working in education and my pay is okay but not enough to support a family. I live independently from my parents and go visit the house every weekend as per my mom's plea. Gusto niya daw akong makita and makasama magsimba + my dad will be cooking food for me.

I have a lot of bills to pay like rent and utilities, I have to buy food for myself, and medication, all of which consumes my salary. Ending, I don't contribute anything to the house. Sabi naman ng parents ko, okay lang daw kasi naguumpisa pa lang ako and they only wished for me to live well and do well at work.

Recently, nakatanggap ng malaking holiday bonus yung mom ko and she gave my siblings (m20; f17) money para pambili ng pamasko and whatnot. Aside from that she started buying everyone clothes, and bought whatever she wanted with her bonus. The catch is, ako lang ang hindi binigyan or binilhan ng damit, etc. When I confronted her about it, she said that I was already working and may pera na ako, kaya bumili na lang ako ng pansarili ko.

I was hurt and appalled. I thought, ganito na ba talaga kapag working ka na? Like, anak naman din ako, so why exclude me when splurging on our family? Just because I'm working?

Maybe I'm too sensitive. Or I don't fully understand where she's coming from. It just felt a little unfair.

Edit: Please stop assuming that I'm either feeling entitled to my mom's money, or jealous of my siblings.

I only wanted to express how I felt because this is unusual to me, and wanted to know if others have felt the same way or had similar experiences. No need to pick a fight.


r/PanganaySupportGroup • • Feb 14 '22

Why the heck do so many asian women NOT wanna date asian guys?

Thumbnail self.tooafraidtoask
2 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • Oct 23 '25

Advice needed My 5yr relationship Partner wants to buy land, hati kami.

3 Upvotes

My boyfriend recently got an opportunity sa land na mura. He's a DPWH JO and yes may privilege na inuna silang bigyan ng lots malapit sa barangay namin for only 50k around 190sqm na, currently 2k-3k per sqm na price dito samin kaya its really a great buy kung makuha namin yung lot and may mga residente na din don. I don't know if I should risk. I've been taking risk for him sa 5yrs relationship namin. Bumili kaming BAKA paalaga sakanila, nag invest sa KALAMANSIAN sa bukid nila, may rolling cart na naka parada nalang din sakanila. Karamihan ng investment and risk na pinupush nya ,ako lang naman talaga talo, sakanya lang benefits... We're long term and most people around us iniintay nalang din na mag settle down kami. But the land will be named after him kasi sya ung may kakilala don... so is it worth the risk? He's talking marriage life, like once we got the lot, lalagyan muna namin ng temporary house, pwede kami don and all... what got me thinking is ung description nya nga settling down like itratrap na nya ko don so he'll work daw while I manage the house, kahit maliit lang daw and mag poso muna kasi walang tubig don, mag uuling daw for lutuan kasi madami naman kahoy don... he grew up rural country side, nag bebenta daw sya ng gulay nung bata sya and enough na daw basta may tanim. Yes, He's a father figure. Dami ding gustong pasuking business, investments. Should still invest on him? He doesn't even offer a ring yet, all previous business venture I never got an ROI, and now he want us to buy a land. He's earning Provincial rate, I'm a VA with long term client. I don't know if I even want to invest in his another idea and wait for him to invest in me by marriage.


r/PanganaySupportGroup • • May 28 '21

Vent Hirap maging gf ng isang panganay

0 Upvotes

Tldr: nasasaktan ako na di pa ako mapakilala ng boyfriend ko sa parents niya kasi feeling ko di ko naman deserve na makita ako as hindrance sa career niya

My boyfriend and I have been together for more than a year. Parehas kaming panganay, but my parents don’t expect financial support from me in the future, while his parents do. Ako early 20s still in college, while he is in his mid 20s na. To be honest, wala akong masasabing masama tungkol sa relasyon namin, sobrang ayos namin. He is my first boyfriend pala btw. Lahat ng concerns ko naaayos namin. But there is one thing that hurts me every time na tinatanong ako ng parents ko if kilala na ba daw ako ng parents niya. So the thing is legal na kami sa side ko, parati nga siyang pinapasama sa fam gathering namin pero di siya nkakasama kasi overnight yun eh di pa ako kilala ng parents nya so di siya makapagpaalam, di pa niya ako mapakilala sa parents niya :( Ang main reason kasi gusto muna ng parents niya na magfocus siya sa career at magkaroon na siya ng stable work (which is quite impossible sa profession niya ngayong pandemic, tapos kakatapos lang kasi niya sa OJT nung bago mag pandemic pero graduate na siya nung 2020).

Inexplain naman niyang mabuti na kelangan lang namin magintay ng tamang panahon kasi pag masyado ako maaga pinakilala baka maging nega yung perception sa amin, at saka kilala naman na ako ng mga kapatid at pinsan niya, papakilala niya ako pag okay na siya sa career niya. Sa akin naman kung ayaw nila sa akin now, mas okay na malaman ko na earlier at saka it is their loss, not mine. Tbh medyo naturn off ako nung nalaman ko yon about sa parents niya, pero I really seek that validation from them, my future in-laws, as he is my first boyfriend after all. Naiinggit ako sa friends ko na tanggap na tanggap sila ng parents ng boyfriend nila. Parang naooffend lang ako kasi sobrang ayos kong tao- looks (char), acads, may maayos na katayuan sa buhay, maayos ang family, pero parang magiging tingin sa akin ay hindrance or distraction sa career ng bf ko which is not true naman kasi i am his main motivator :(( dagdag pa yung nakakadegrade for me dahil usually di ba mas strict parents ng babae, pero kami baliktad haha. Ilang beses na talaga namin to napagusapan at binibigyan naman niya ako ng assurance, pero di ko pa rin talaga fully matanggap kasi big deal talaga sa akin yung tanggap ba ako o hindi ng parents niya. Bumabalik sa akin yung feeling na tinatago ako everytime tinatanong ako ng family ko about sa family niya or di kaya pag nakakakita ako ng couples na legal both sides. Mabait naman sila sadyang gusto lang talaga nila makaangat sa buhay. Bale motto nila, “Iangat muna ang pamilya bago lumandi at magjowa”. Feeling ko possibly maging cause to ng break up namin pag di ko na kayang magintay, which ayoko dumating ako sa breaking point ko kasi mahal ko boyfriend ko. 🥺


r/PanganaySupportGroup • • Dec 19 '24

Support needed Get a chance to win 100 pesos via Gcash

Post image
0 Upvotes

Hi po, makikiraan lang po sa sub na 'to, hingi lang po ng help sa thesis ko by answering the survey po 🙏

GET A CHANCE TO WIN ₱100 ON THE GCASH RAFFLE

I am conducting my undergraduate thesis on investigating the relationships between job tenure, job insecurity, supportive organizational culture, transformational leadership, and presenteeism among Filipino employees.

Qualifications:

  • A Filipino national currently residing in the Philippines

  • Aged 18 or above

  • Fully working onsite in Metro Manila (not in a hybrid/remote setup)

  • Working full-time

  • Working at least 8 hours or more per day

  • Have been sick during your tenure

Scan the QR code below or access the survey through: https://forms.gle/PsPRTCkYLEB7ShSm6

Should you have any questions, please email or contact me at [email protected]


r/PanganaySupportGroup • • May 27 '24

Venting | Nο suppοrt or advice needed breadwinner na lubog sa utang

1 Upvotes

lubog na lubog ako sa utang. Kung susumahin, nasa kulang kulang 200k ang utang ko. May sa bank, kamag anak, online lending apps. Nageearn ako ng 54-56k a month pero sa pambayad lang ng utang napupunta. Kaya ang gagawin ko pagkabayad, magrerenew ulit ako hanggang sa naging cycle na lang to. Nakakapagod

Sumabay pa yung issue ko sa isang bank. Last year nag ask ako ng soa at binayaran ko yun ng buo para kako mabawasan na utang ko. Kala ko okay na hanggang sa may biglang collections na nag contact sa akin na may utang pa raw ako sa kanila. I refused to pay kasi sabi ko settled na dapat kasi bayad ko yung amount na nasa soa from bank. Hanggang sa law firm na ang nageemail sa akin. 1k+ na lang yung nasa soa ko ng 2023 pero sabi ng law firm, 39k pa ang utang ko. Kanina, nag visit daw sila sa dating tinitirhan ko.

Grabe sobrang nakakadepress... Ngayon wala pa kong pangbayad ng kuryente, pag-ibig (bahay ng magulang ko), isa pang loan. Wala na rin ako allowance para sa pagkain hanggang sunod na sahod. Jusko

Naiisip ko magpakamatay na lang kasi di ba di naman namama ng maiiwan na pamilya ang utang? Unless may ipamana ako sa kanila kaso wala naman. Pero may anak kasi akong 4 years old... Iniisip ko paano sya pag nawala ako e sobrang makananay pa naman sya. Pero gusto ko na talagang matapos to eh. Hindi ko lang alam kung paano

Naghahanap ako ng pangalawang trabaho kaso di talaga ako siniswerte di naman kasi ako magaling. Di rin ako matalino. Nagpray ako kay lord na tulungan nya ako kasi walang wala na ako at di ko na alam gagawin. Sana masalba nya ko bago pa ko mawala sa mundo


r/PanganaySupportGroup • • Mar 02 '24

Advice needed Implications of not moving out before turning 20

1 Upvotes

M27 here. Panganay sa pamilya 🥹 I've asked this before in other subs, but I think anyone can answer this here.

For the panganays who didn't get to move out before turning 20, how did it impacted you guys in later in life? Did it forced you to follow what your parents want you to be instead of forging your own path?

I'm currently in direct selling food supplemens, but I'm also being forced by my parents to take up the civil service exam to work in the government. And this is because I still can't move the fuck out because they think I'm still FINANCIALLY UNSTABLE. 😭😭😭

That's the case for me. What's yours?


r/PanganaySupportGroup • • Jun 22 '26

Advice needed Now gets kona ibang Nanay na pinipiling Mag stay sa partner para sa Anak kasi ayaw lumaki yung bata na hindi buo ang pamilya na kalalakihan niya.

0 Upvotes

Hindi nako masaya kasama siya convenient na lang sakin kasi may nakakatulong ako sa pag aalaga ng anak ko sa gawaing bahay at lumalaki yung anak ko na buo ang pamilya niya. Honestly, kaya ko naman na e. Kasi lahat ng gastusin ako. Mga kailangan ng anak ko ako lahat. Kaya ko naman din na lumaki siya na walang tatay. Pero ang hindi ko kaya makitang lumaki ang bata na hindi kumpleto ang pamilya niya na walang tatay o nanay. Kasi wala naman siyang kasalanan at hndi niya deserve. Akala ko dati sa ibang nanay nag sstay kasi hndi kaya yun pala matutulad ako na para sa bata na lang lahat.
Ngayon sobrang nag sstay ako para sa anak ko kahit ayaw kona sa kinakasama ko. Tinatanong ko palagi sa sarili ko. Masaya paba ako sa kanya? Mahal ko pa ba? Ang nangingibabaw. Hindi nako masaya. Hndi dahil may galit ako or what. Hindi kona siya mahal. Pero may pake pa rin ako kasi nagsasama pa rin kami. Nasa punto na nga kami na nag mumurahan at nagkakasakitan. Nakakapagod kasi pa ulit ulit. Minsan nqkikipag hiwalay nako pinapaalis kona siya pero siya ayaw niya din. Pero ramdam ko din na hindi niya nako mahal. May pake na lang din siya kasi nasa iisa kaming bahay. Mag 1 year na yung anak ko this july. Nakakalungkot lang kasi ako lahat. Ako lahat sa gastusin. Kasi gusto ko mabigay lahat sa anak ko ano yung deserve niya. Sa totoo lang simula ng buntis ako wala akong natanggap na kahit anong suporta sa kanya kasi 10months ba naman walang trabaho nakaasa sakin na buntis pako. Nanganak ako walang financially na binigay tapos magulang niya walang suporta na kahit ano. Laki kasi siya sa sama ng loob yung nanay niya mahilig magtanim ng sama ng loob sa lahat ng kamag anak nila. Kaya ganyan siya lumaki. Laki sa broken family. Umaasa sa lahat kaya walang pangarap at hndi marunong magsumikap kaya sobra sobra akong nag sisisi. Kung wala lang kaming anak matagal nakong nakipag hiwalay. Sinasabi kona lang sa sarili ko everyhing happens for a reason. Ayaw kong lumaki yung anak ko katulad ng papa niya yun ang kinakatakot ko.
Ayaw ko lang din na dumating sa punto na marami siya tanong kapag hndi buo pamilya niya. Kasi hndi takaga deserve ng anak ko. Sobra sobra kong mahal ang anak ko.

Ang akin lang gusto kong makipaghiwalay. At the same time may pumipigil sakin at malinaw na dahil sa anak ko.


r/PanganaySupportGroup • • Jul 03 '22

Positivity Breadwinners should be very thankful, more supportive and loving to their LGBTQ++ siblings, cousins and other relatives

0 Upvotes

This is a purely financial reasoning.

They are least likely to outsource to you their 18-25yr child support obligations to any biological children.

When prompted to cover their individual basic physiological needs would be the max annual sum of ₱250k or less than ₱21k/mo.

After my parents were born I wish 7 of 8 people they provide ayuda to were


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Advice needed Paano ninyo nasisikmurang sabihing "hindi sila kawawa" habang umiiyak ang sarili ninyong magulang?

3 Upvotes

Pasensya na, kailangan ko lang ilabas ito kasi sobrang bigat na at nakakagigil. Ako, (22M) apo.

Matagal nang nakatira sa iisang bahay sina lolo at lola kasama ang pamilya ng tita ko (anak nila) at especially ang bunso, pinsan kong babae. Sila ang malapit at sila rin ang matagal na sinuportahan at iniahon ng mga matatanda noon.

Pero ngayon, Nagbago ang ugali nila sa mga matatanda. At eto pa, Isang araw bigla na lang silang naghakot at umalis sa bahay nang hindi man lang nagpaalam nang maayos kina lolo at lola. Kakagaling lang ni lolo sa mild stroke noon at nakiusap pa siya kung bakit kung kailan hindi pa siya fully recovered ay saka sila aalis. Bago pa sila umalis, naghihiwalay na sila ng pagkain sa mga matatanda at dinadaan daanan na lang din nila ako kapag bumibisita ako.
Nito lang, nabalitaan ko sa kapatid ng lola ko na hindi na pala makatayo si lola, sa sahig na natutulog, at doon na rin naiihi. Nahihirapan na rin si lolo magbuhat dahil sa mild stroke niya.

Nag-chat ako nang maayos sa pinsan ko para ipaalam ang kalagayan nila at makiusap kung puwedeng mabisita ang sagot niya lang sa akin ay *heart react*.
Dahil walang kumikilos sa kanila, ako na ang bumyahe galing pang laguna kasama ang pinsan ng nanay ko at ang kapatid ni lola para madala si lola sa ospital. Sa lab results, lumabas na may matinding UTI na siya at mataas ang uric acid kaya nanghihina at hindi makatayo. Gusto na siyang i-confine ng doktor pero hindi kami makapagdesisyon dahil hindi naman kami ang direktang anak, at ayaw din pumayag ni lolo dahil walang magbabantay. Naiuwi namin siya, binilhan ko ng diapers, underpads, wet wipes, at gamot, at isinulat ko na rin sa whiteboard ang schedule ng pag-inom para hindi malimutan ng kapatid ni lola at ni lolo.
Kinabukasan, nag-message nang mahaba at maayos ang pinsan ng nanay ko (na hindi man lang nila kadugo) sa pinsan ko para ipaalam na dinala namin sa ospital si lola at baka puwede nilang dalawin.
Ang sagot niya?

“Hindi po sila kawawa, sila po nagdesisyon kung bakit sila naging ganyan kung iniinom nila mga gamot na binibili sakanila na nireseta ng doctor wala pong mangyayaring ganyan. Yung mga gamot na binibili at nireseta ng doctor hindi nila iniinom mas gusto nila inumin yung herbal. Ilang beses na pong pinaulit ulit sakanila na uminom ng gamot dahil hindi lahat ng oras eh may taong available para magalaga sakanila. Hindi na din pwedeng magalaga si mama at papa dahil may mga iniinda na din na sakit. Hindi po kmi pwedeng mag alaga at lahat kmi may work, if wala po totally na magaalaga sa bahay na lang po sila mag stay at inumin yung nireseta ng doctor na gamot.”

Salungat ito sa sinasabi ng lolo ko. At ako mismo, nakakita sa gamot nila na nauubos at naiinom naman. Masakit lang makita na umiiyak sina lolo at lola dahil pakiramdam nila kinalimutan na sila nang hindi nila alam kung bakit. Ang pinakamasakit, sinabi pa nilang "puro fast food" daw ang kinakain ng mga matatanda at matitigas ang ulo para lang pagtakpan ang pag-iwan nila. Natural yun kasi walang nagluluto at wala silang kasama na especially pareho na silang mahina.

Hindi naman pera ang hinihingi sa kanila, oras, dalaw, at simpleng pag-aaruga lang para sa mga matatandang nagpalaki at sumuporta sa kanila noon. Nakakagigil na kayang kaya nilang sabihin na *"hindi sila kawawa"* habang nasa malapit lang sila at kahit simbahan nila ay malapit lang mula sa bahay nina lolo at lola.


r/PanganaySupportGroup • • Jul 01 '24

Advice needed looking for part time job

0 Upvotes

Hello baka may alam kayo na any part time job? 😭 sa totoo lang hirap ako magresign ngayon sa work ko dahil okay naman yung environment and workmates. Sadyang maliit lang sahod sa pangangailangan lalo na may binabayaran akong bills and utang.

If may alam kayo, refer me please 🥹. 10pm to 7am ang full time job ko. Kaya ko naman sa morning basta wfh or if may alam kayo na full time wfh parefer po. Thank you!!!


r/PanganaySupportGroup • • Dec 14 '24

Advice needed Am I wrong for asking my mother for help

0 Upvotes

So my younger sister recently had TMJ and then we tried inquiring to different dental clinics pero ranging from 90k-120k ang treatment. Mind you, di pa start ng treatment nya, almost 10k na nagagastos ko for consultation, xrays and diagnostics.

So me and my mom(OFW) are both working pero mas malaki ang nilalabas kong pera dahil sagot ko food, allowance and meds ng sibs at grandparents ko(with maintenance)

Just today, I asked my mom na ako na magbabayad ng 30k na for splint and sya na sumagot ng monthly ng braces ng kapatid ko. I was just saddened sa reaction nya. Kesyo kaya niya pa daw kaya baka mawalan na siya panggastos and I told her na to look for other job na may mas mataas na sahod. She told me she'll try kasi mahirap daw ngayon. She told me din na di nalang daw siya uuwi next year.

Idk, I just felt mad, sad and exhausted of our setup. I realized na everytime may emergency na ganito, ako agad yung expected na sasalo ng lahat ng gastusin. I can't really say na my mom is a bad mom kasi she's a single mom and she's been an ofw for almost 15yrs now but I can't carry all the burdens na, especially siya yung parent dito. I just wanted to ask for her help for once pero parang naguilty pa ako.

Do you guys think I'm wrong for asking my mom this?