Hello need ko sana ng advice/recos. May mama cat na nag start tumambay dito sa bakuran namin so I started leaving food outside. Napansin ko na parang breastfeeding sya. After a few days andito na din ang kittens nya. The kittens come and go naman. Si mama cat naman may routine kami so morning afternoon saka gabi nabalik sya waiting for me para sa food nya.
Yesterday one of the kittens bumalik dito and it looks obviously ill. Nag start ako mag force feed saka painumin sya ng water mixed with dextrose powder para kahit pano sana bumalik lakas nya. Okay naman ang routine namin so far, mukang kahit papano nakaka bawi na sya ng energy kasi nakaka lalakad na sya ulit. Now my worry is, i have 8 indoor cats and mejo natatakot ako na madala sa loob ng bahay if ever may virus man na nag cause ng sakit ni baby cat. Naka gloves naman ako and after feeding si baby cat, nag aalcohol ako and spray ng hypochlorous acid spray all over sa katawan ko, wait a few minutes before ako pumasok. But Im afraid it might not be enough.
Baka meron kayong masusuggest ano pang precaution ang pwede ko gawin to ensure na safe ang inside cats ko. Thank you so much in advance 🙏