r/SpookyPH • • 5d ago

👻 MULTO Siargao horror story

13 Upvotes

This happened when me and my friends went to Siargao for the 2nd time. Since we were mostly in General Luna nung first punta namin, we decided na sa North muna kami mag explore for a few days. We rented motors and since 8 kami, lahat kami may angkas. I was the one driving sa isang motor but mabagal lang takbo ko kasi inside our subdivision lang naman ako nakakapag drive before and anyone who's been in Siargao knows na madaming curvy na road especially sa North kaya kabado ako mag drive mabilis.

One evening, we went out to go to this famous place sa North to eat dinner and since walang lights sa road and puro puno, yung friend na angkas ko and I were singing, "Thank you, Lord" loudly na christian song whenever nakaka lampas kami sa curvy road. Anyway, nung paglampas namin sa pasulong na part ng million dollar view, bigla ako nakakita ng white figure ng babae sa peripheral vision ko and SUPER lapit nya sa amin na para bang patawid siya nung nadaanan namin siya. Since nakatingin ako sa road, I should see if may nakatayo right? kahit na ba pasulong yun kasi may moon light, may light yung motor and mabagal nga lang yung takbo.

Of course I know na something's wrong so what I did is I told my friend in a very calm voice na, "Ate alam mo may sasabihin ako pero mamaya ko na ik-kwento ha pag dating natin". Siguro na feel niyang may nakita ako since alam niyang nakaka kita talaga ako minsan ng paranormal beings kaya di na siya nag tanong the whole time we were driving and hindi na rin ako kumakanta nung christian song kasi feeling ko baka naingayan.

Fast forward, pagdating namin dun sa place, kinuwento ko sa mga friends ko yung nakita ko and few of them said na yung driver ng tuktuk na sinakyan nila from airport to our homestay in North told them some paranormal stories na nangyayari nga sa North.

Honestly, idk if meron ba talagang something sa lugar na yun or namalikmata lang ako pero up until now, I can still remember kung gaano kaputi and kalapit yung figure but di parin ako sure if namalikmata lang ba ako since I tried looking online if may other horror stories about that same place pero wala ako makita. I also saw "something" sa first place na kinainan namin sa North din even if it's in the afternoon pero that's a different story.


r/SpookyPH • • 7d ago

😱 KWENTO NILA LF: Haunted and creepy locations sa PH!

5 Upvotes

Hi, everyone! We're a group of students exploring and documenting creepy, abandoned, and supposedly haunted places around the Philippines.

Baka may alam kayong locations na may creepy stories, paranormal encounters, urban legends, or unexplained experiences? Drop your stories below! 📍

We might visit your recommended places and feature them in our upcoming horror exploration videos!

We'll also link our TikTok account below so you can check out our previous videos. Feel free to follow our journey!

Threaded Account

Baka yung suggestion mo na ang next naming puntahan. 👀


r/SpookyPH • • 11d ago

🕍 HAUNTED PLACES May mga lugar ba sa Pilipinas na ayaw niyong balikan dahil sa creepy experience?

6 Upvotes

Pwedeng abandoned buildings, old houses, hotels, schools, or kahit simpleng lugar lang na may hindi magandang nangyari sa inyo.

Anong experience niyo doon? Curious din ako sa mga local stories na hindi masyadong napag-uusapan.


r/SpookyPH • • 11d ago

❓KATANUNGAN May experience ba kayo na hanggang ngayon hindi niyo pa rin ma-explain?

4 Upvotes

Hindi naman necessarily paranormal, pero yung tipong may nangyari sa inyo na kahit anong logical explanation ang isipin niyo, ang weird pa rin.

Could be something you heard, saw, or experienced habang mag-isa kayo.

Share niyo naman. Gusto ko lang magbasa ng creepy experiences tonight. 😅


r/SpookyPH • • 15d ago

😱 KWENTO NILA Rated Korina | Full Episode | November 1, 2026 | Kaba, Kutob, at Kilabot: Mga Kuwentong Kababalaghan

Thumbnail
youtube.com
2 Upvotes

r/SpookyPH • • 20d ago

🔪 TRUE CRIME PH Calamba, Laguna PEDOPHILE MOLESTER and his relative sarviours

8 Upvotes

Mediyo nakakapintig ng ugat tong chika na to and mahaba, pero this is a real story (di ko nga alam if chismis lang to, kasi nasa jail na yung isa ngayon). So, may kakilala ako, halos ka town ko lang din, dito sa Calamba, tawagin nalang natin sa pangalan na K, and may boyfriend siya, let's call him O. So itong si K, may anak na siya, tatlo, before pa sila maging ni O. Isang baby boy, isang parang 4-5 yrs old na girl, and boy na nasa around 8-9 yrs old.

Noong naging sila na ni O, parang goods goods pa sila, okay si O and nagtatrabaho siya nang maayos, bilang bantay ata or boy sa may prutasan sa may merkado ng Calamba. Akala namin mabait siya girl, then after ilang months lang, nagsimula na may kumalat agad sa kanya na issue sa binubugbog niya si K. So, I got to the chika and dug deeper that time, yun pala may issues na pala din si O sa dati niyang kasintahan, may anger issues siya and parang enjoy niya lang talaga mambugbog? And some even told me na sabi ng tropa daw ni O sa kanila, may manyakis issues siya, like may porn siya sa kanyang phone palagi, and laging nanonood and so on.

So, the next few months. Wala naman ako narinig na issue sa kanya, bukod nga don sa pananakit niya. So, iniisip ko na yun lang issue niya. But then, randomly, si K ay pumunta daw sa police station, nagfile ng kaso. Nagfile siya ng kaso because of rape daw. Sabi ko sino nangrape naman? Si O daw, nagcharge siya ng rape against kay O. Kanino? Sa anak niya, or ewan ko kung matawag na ba na anak siya ni O. So, nakausap ko friend ni K that time. Sabi daw sa kanya ni K, nakita niya raw na minomolestya daw yung girl niyang anak, kaya niya nireport, pero sabi ng pulisya need daw ng medico legal for proof para raw maisulong yung charge against kay O. Then nagpa medico legal, lumabas na negative. Wala akong alam sa medico legal, kung anong ginagawa, pero if meron kayo alam, please enlighten us nalang kung bakit nagnegative, if possible ba na nagsisinungaling si K.

Then after some very few months ulit. I heard na may issue na naman don sa prutasan na yon, about na naman daw kay O, and yung instincts niya. I guess lower than a wild animal lang talaga siya? And another few weeks, some issues sa mga tropahan ni O, ilang beses na rin pala siyang nahuli nangungupit, so kleptomaniac din pala tong si guy? And after just a FEW WEEKS ha, this year yon, last 2 months lang, si O ay binugbog yung panganay ni girl, may pasa sa mukha. Actually, nakita ko nga siya pasa mukha non nong time na yon, nakibirthday pa kasi ako non sa kanila, birthday ni O, ininvite lang ako ng friend niya na friend ko rin. So nakita ko yung bata, pasa mukha, and ang saya pa nila ha, birthday ni O tapos pasa mukha ng supposedly stepson niya?

So, a few months after, recently lang to, ngayong november lang. Bigla ko nalang nalaman na nakulong na nga itong si O, temporary palang, pero andon siya sa Calamba police station daw naka detained. Yun pala nag report na ulit si K sa kanya, but this time di na kinaya ng kanyang sarili, talagang naiyak iyak na talaga siya don sa police station daw sabi ng mga kakilala ko don. Kilala na kasi siya noon don dahil report noong unang charge niya againts kay O. This time, sabi ng friend ko na naka destino don, talagang iyak daw nang iyak si girl.

Natutulog lang daw si K, pagod sa house works, then naalimpungatan siya. Chineck niya yung si girl niya, di ko alam name, and then, nakita niya raw nakahubad si girl, fully hubad, and ginagalaw galaw ni O yung private part ni girl, habang nag aano. And ayon, thankfully, they decided to detain muna si O, but then may dumating, di ko sure kung magulang ba ni O yon, pero mukhang mayayaman daw, relative daw ni O. Tinatry nila kausapin tong si K, sinusuyo siya, na ibackdown yung kaso against kay O. Pero nagsosorry nalang si K sa kanila, telling them na okay naman daw sila ni O, talaga ayon lang daw talaga ang hindi niya kinaya. So they leave, uwi uwi si K mga anak niya. Kasi tomorrow ay hearing daw.

Then kinabukasan na, nagwowork yung friend ko sa attorney as assistant (andami kong friend no? HAHAHA pero legit to ha). Sakto nagchikahan pa kami later in the afternoon, and sabi niya may new case daw sila, new client. So inask ko, what's the tea, sabi niya "May nagpapa file ng charges lalaki, tatay daw ng bata, nirape niya raw yung bata sabi ng nagreport sa kanya. gusto ibail yung lalaki." and then nag click sakin si O, so inask ko kung si O ba yon, pano ko raw nalaman. Then kinuwento ko. So detained daw si O, pero pinayagan pa munang makipag usap sa attorney kasi baka raw false accusation, pero ibabalik din siya sa pulis after.

So ayon, being an attorney, mahirap lubayan yung client, so nag advice nalang yung si attorney daw. Sa pag uusap nila na yon, si friend girl nagmiminutes na don sa may corner while doing work. Eto naging usapan daw (non-verbatim lahat):

Attorney: Mahirap tong kasong to, parang walang choice kundi makulong talaga.

Relative daw na lalaki: \*Nag ask ng mga ways to bail him out\*

Attorney: Pina interview muna si O (inask daw kung anong ginawa ni O and why)

O somewhere in their conversation, umamin and nadulas na si O, pero yung shocking part ay sabi niya ay "Natutulog kasi siya, kaya ko nagawa yon" trying to blame K for his doings. Then he admits na ginalaw niya nga raw si baby girl.

Singit si relative guy (non-verbatim) "Pano yon attorney. Ginalaw lang naman pala, hindi naman nirape, pwede kaya namin mailabas sa kulungan or kahit anong paraan para di makulong"

Ang suggest nalang daw ni attorney non ay kaso ay kaso daw, makukulong siya talaga pag pinili magsampa ni K against sa kanya, so ang magagawa nalang nila is kapag sinuyo at pinakausapan nalang nila si K na itigil yung kaso.

But then I asked K's friend, di raw niya ititigil ang kaso, which is right and deserve ni O talaga don sa kulungan. But then etong si relative, kasama kanyang wifey, pabalik balik daw sa pulisya, nag aask kung tungkol sa pag bail, and balak pa ata nila kasuhan si K, nasagap ko lang din yan doon mismo sa pulisya. May mga kakilala din daw pala to si relative guy sa police kaya siguro ganon ka confident.

This is a real story, happening right now in Calamba. I don't know if nababasa mo to, pero sana yung thoughts mo pag nabasa mo tong story na to ay hindi yung katulad ng kanila na iisipin yung molestation ng bata ay "Hinawakan lang naman" or gawin na "lang" ang gawain na yon. And if ganun ka mag isip, please fix yourself, mapa lalaki or babae ka man.

If nabasa po to, please share sa ibang tao.

Naaawa ako kay K and need niya talaga ng tulong. If taga Calamba ka, baka kilala mo sila, I hope mahelp natin si K sa case na to. I'm keeping this anonymously kasi I heard na mayaman and powerful yung relatives ni O, which is dun siya mismo nagtatrabaho.

P.S. Jousq, mala holy and preacher pa naman ang apelyido ni O, tapos ganan gawain, di ko kilala yung relative pero baka same lang din sila. May J sa pangalan si O, and O yung alyas name niya.


r/SpookyPH • • 26d ago

❓KATANUNGAN naniniwala ba kayo sa “powers”

Thumbnail reddit.com
4 Upvotes

r/SpookyPH • • Oct 22 '26

😨 OKATOKAT Noong 2010, napadpad ako sa isang liblib na barrio sa Basilan. Kinabukasan, nalaman ko kung bakit walang gustong pumunta roon.

26 Upvotes

It's been 16 years, pero hanggang ngayon, malinaw pa rin sa akin ang nangyari noong bakasyon ko sa college back in 2010. Mahilig na talaga akong magtravel mag-isa kahit estudyante pa lang ako noon. Hindi ako yung tipo na kailangang may detailed itinerary o may kasamang barkada para ma-enjoy ang isang lugar. In fact, mas gusto ko pa ngang pumunta sa mga lugar na hindi masyadong kilala, makipagkuwentuhan sa locals, at mag-explore nang walang masyadong plano. Pero kung may isang biyahe akong babalikan at babaguhin ang naging desisyon ko, iyon ay ang pagpunta ko sa isang liblib na barrio sa Basilan.

Noong panahong iyon, bakasyon namin sa college at may plano akong mag-solo trip papuntang Sulu. Since manggagaling naman ako sa Zamboanga, naisipan kong mag-side trip muna sa Basilan. Wala akong kakilala roon at wala rin akong specific na lugar na gustong puntahan. Ang nasa isip ko lang, sayang naman kung hindi ko susulitin ang pagkakataong makapag-explore habang bakasyon. Hindi ko alam na ang simpleng desisyong iyon ang magdadala sa akin sa isang lugar na hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos na maipaliwanag kung ano talaga ang nangyari.

Habang kumakain ako sa isang karinderya malapit sa terminal, may nakausap akong dalawang lalaki. Tinanong ko sila kung may magandang pasyalan sa Basilan, preferably yung may waterfalls o natural attractions na hindi masyadong dinadayo ng mga turista. May nabanggit silang falls na matatagpuan daw sa isang malayong barrio. Hindi ko na maalala yung eksaktong pangalan ng falls, pero ang natatandaan ko, may Muslim-sounding name iyon. Maganda raw ang lugar, pero hindi ganoon kadaling puntahan dahil kailangan pang sumakay ng jeep at maglakad nang medyo malayo. Sinabihan din nila akong bihira lang ang biyahe ng jeep papunta roon, roughly every four hours, at bandang 1 PM daw ang susunod na biyahe.

Dahil bata pa ako noon at medyo adventurous, mas nanaig ang excitement ko kaysa pag-iingat. Ang nasa isip ko lang, magandang experience ito at siguradong may maikukuwento ako pagbalik ng college. Kaya sumakay ako sa jeep na itinuro nila. Medyo mahaba ang biyahe, siguro mga dalawa hanggang tatlong oras din. May mga pagkakataong sa bubong pa ako ng jeep nakasakay para makaupo sa loob yung mga babaeng pasahero. Masaya pa ako noon dahil para sa akin, bahagi iyon ng adventure. Habang tumatagal, napapansin kong pakonti nang pakonti ang mga bahay sa gilid ng kalsada. Unti-unting napapalitan ng mga puno, kabundukan, at malalawak na lugar na halos walang nakatira ang mga dati naming dinadaanan.

Eventually, nakarating kami sa isang bahagi ng highway kung saan may maliit na waiting shed at isang pathway na papasok sa isang barrio. Doon ako pinababa ng driver. Pagkaalis ng jeep, saka ko lang napansin kung gaano katahimik ang paligid. Wala masyadong dumadaang sasakyan at wala rin akong nakitang ibang taong naglalakad. Pero hindi naman ako agad kinabahan. Probinsya iyon, at normal lang naman na may mga lugar na hindi matao. Sinundan ko yung pathway dahil sa pagkakaintindi ko, iyon ang dadaanan papunta sa lugar na itinuro sa akin.

Habang naglalakad, unti-unting lumitaw ang mga bahay. Sa tantiya ko, nasa 40 to 50 houses siguro yung buong pamayanan. May mga bahay na magkakatabi at mayroon ding medyo magkakalayo. Sa unang tingin, ordinaryong barrio lang naman siya. Pero habang lumalalim ang pagpasok ko, may isang bagay akong napansin na unti-unting nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Wala akong nakikitang tao. Hindi lang sa kalsada, kundi pati sa mga bakuran at paligid ng mga bahay. Walang batang naglalaro, walang nagkukuwentuhan sa labas, at wala ring mga taong gumagawa ng mga karaniwang gawaing bahay.

Noong una, inisip ko na baka nasa bukid lang ang mga residente o may pinagkakaabalahan sa ibang lugar. Pero habang tumatagal, mas nagiging kakaiba ang sitwasyon. Imagine, nasa gitna ka ng isang pamayanan na may dose-dosenang bahay, pero wala kang makitang kahit isang tao na puwede mong mapagtanungan. Ilang beses akong tumigil para tumingin sa paligid, hoping na may makita akong residente o kahit sinong makapagtuturo kung saan yung waterfalls. Pero wala talaga. Ang nakakapagtaka, hindi naman mukhang matagal nang abandonado yung buong lugar. May mga bahay na mukhang ginagamit pa rin, pero parang walang gustong lumabas.

Hindi ko namalayan na medyo matagal na pala akong naglalakad. Unti-unti nang dumidilim at doon ko naisip na baka hindi na magandang ituloy yung paghahanap sa falls. Wala akong guide, wala akong kakilala, at hindi ko rin alam kung anong oras ang susunod na jeep. Around 6 or 7 PM na siguro noon nang may mapansin akong ilaw mula sa isang bahay. Parang lampara yung ginagamit sa loob. Sa totoo lang, natuwa pa ako dahil finally, may senyales na may tao sa lugar. Ang plano ko, magtatanong lang sana kung saan ako puwedeng maghintay ng masasakyan pabalik.

Lumapit ako sa bahay na parang maliit na barong-barong. Simple lang ang pagkakagawa nito at hindi sementado ang sahig. Kumatok ako at naghintay. Maya-maya, may batang lalaki na nagbukas ng pinto. Ang natatandaan kong pangalan niya ay Punin. Sinubukan ko siyang kausapin at tinanong kung may kasama siyang matanda na puwede kong mapagtanungan. Pero imbes na sumagot, nakatitig lang siya sa akin. Hindi siya nakangiti, hindi rin siya mukhang natatakot. Basta nakatingin lang siya, na para bang hindi niya alam kung ano ang gagawin sa presensya ko.

Inulit ko yung tanong ko, thinking na baka hindi niya ako naiintindihan. Pero hindi pa rin siya sumagot. Maya-maya, pumasok siya sa loob ng bahay at nawala sa paningin ko. Akala ko tatawagin niya yung magulang niya o kung sinumang nakatatanda na kasama niya. Dahil doon, sumilip ako sa loob at sinubukang tawagin ulit yung bata. Hindi ko alam kung bakit, pero iyon yung moment na nagsimula akong makaramdam ng takot. Hindi dahil may nakita na akong kakaiba, kundi dahil may pakiramdam akong hindi ako dapat naroon.

Sa loob ng bahay, lupa ang sahig at mahina lang ang liwanag mula sa lampara. Habang naghahanap ako ng taong makakausap, may narinig akong kalansing. Sa unang dinig, parang may bakal na gumagalaw. Hindi ko muna pinansin, pero narinig ko ulit. Mas malinaw na ngayon. Parang kadena na kumakaladkad sa lupa. Sinubukan kong alamin kung saan nanggagaling yung tunog, hanggang sa napansin kong may bahagi ng bahay na natatakpan ng kurtina.

Doon ko nakita yung babae.

Hanggang ngayon, hindi ko makalimutan ang itsura niya. Magulo ang buhok niya, matindi ang titig, at may kadena siyang nakakabit sa katawan. Pero ang pinakanagpatigil sa akin ay yung ginagawa niya. Nakayuko siya sa sahig at kumakain ng lupa. As in literal na lupa mula sa sahig ng bahay. Noong una, hindi ko agad na-process yung nakikita ko. Hindi ko alam kung may sakit siya, kung may nangyari sa kanya, o kung bakit siya nakadena sa loob ng bahay. Ang alam ko lang, hindi normal yung eksenang nasa harapan ko.

Hindi ko na maalala kung may nasabi ba ako sa sobrang gulat. Pero natatandaan kong napatingin siya sa akin. Iba yung titig niya. Hindi ko maipaliwanag nang maayos, pero parang galit na galit siya sa presensya ko. At bago pa ako makapag-isip kung ano ang gagawin, bigla siyang sumugod papunta sa akin. Mabuti na lang at napigilan siya ng kadena. Narinig ko yung malakas na kalansing habang hinihila niya ito, at doon na talaga ako nataranta. Hindi ko na inisip kung nasaan yung bata o kung may ibang tao pa sa bahay. Ang unang pumasok sa isip ko ay kailangan kong makalabas agad.

Tumakbo ako palabas at halos hindi na lumingon habang binabagtas ko yung pathway pabalik sa highway. Hindi ko alam kung gaano ako kabilis tumakbo o kung ilang minuto bago ako nakarating sa waiting shed. Ang natatandaan ko lang, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pagdating ko sa highway, wala na akong nadatnang jeep o kahit anong sasakyan na puwede kong sakyan pabalik. Madilim na rin at wala akong ideya kung may dadaan pa. Sa puntong iyon, mas pinili kong manatili sa waiting shed kaysa bumalik sa loob ng barrio.

Doon ako nagpalipas ng gabi.

Wala akong dalang pagkain bukod sa Sky Flakes at tubig na natira sa bag ko. Hindi ko rin alam kung gaano katagal akong maghihintay bago may dumaan na sasakyan. Habang nakaupo ako sa waiting shed, paulit-ulit kong naiisip yung nakita ko sa bahay. Sino yung babae? Bakit siya nakadena? Bakit siya kumakain ng lupa? At higit sa lahat, bakit parang walang ibang tao sa buong barrio? Sinusubukan kong bigyan ng rational explanation yung mga nangyari. Baka may malubha siyang kondisyon. Baka inaalagaan lang siya ng pamilya niya sa paraang hindi ko naiintindihan. Pero kahit anong paliwanag ang isipin ko, hindi mawala sa isip ko yung batang nagbukas ng pinto at yung paraan ng pagtitig niya sa akin.

Hindi naging madali yung paghihintay. Hindi lang dahil sa gutom at pagod, kundi dahil nasa isang lugar akong hindi pamilyar sa akin at wala akong ibang matakbuhan. Sa tuwing may maririnig akong ingay sa paligid, napapatingin ako kung may paparating na sasakyan. Pero kadalasan, wala naman. Ang tagal kong naghintay sa highway na iyon. Halos isang buong araw ang lumipas bago ako tuluyang nakasakay pabalik, at bandang 7 or 8 PM na nang makarating ako sa lugar kung saan ako unang nanggaling.

Pagbalik ko, dumaan ulit ako sa karinderya malapit sa terminal. Pagod na pagod ako, gutom, at ang gusto ko na lang ay makakain at makapagpahinga. May mga babaeng nakausap ko roon, at hindi ko na maalala kung paano eksaktong napunta sa usapan yung pinanggalingan ko. Pero nang malaman nilang nanggaling ako sa barrio na iyon, kapansin-pansing nagbago yung reaksiyon nila. Tinanong nila ako kung bakit ako pumunta roon at kung sino ang nagturo sa akin ng lugar.

Sinabi kong may dalawang lalaking nakausap ako sa karinderya na nagrecommend ng waterfalls at nagturo kung paano pumunta. Mas lalo silang nagtaka. Tinanong nila kung talagang pumasok ako sa barrio at kung may mga taong nakita roon. Ikinuwento ko yung mga bahay na walang tao, yung batang nagbukas ng pinto, at yung babaeng nakita kong nakadena habang kumakain ng lupa. Habang nagkukuwento ako, napansin kong seryoso na silang nakikinig. Hindi yung reaksiyon ng mga taong natutuwa sa isang nakakatakot na travel experience. Mas mukhang nag-aalala sila kung bakit ako nakarating doon.

At doon nila sinabi sa akin ang isang bagay na hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan.

Ayon sa kanila, kilala raw yung lugar na iyon bilang barrio ng mga aswang.

Hindi ko agad alam kung paano ako magre-react. Ang una kong naisip, baka tinatakot lang nila ako dahil hindi ako taga-roon. Pero habang iniisip ko yung mga nangyari, unti-unting bumabalik sa isip ko yung bawat detalye. Yung napakaraming bahay na walang tao. Yung kakaibang katahimikan. Yung batang hindi sumasagot. At higit sa lahat, yung babaeng nakadena na kumakain ng lupa at biglang sumugod sa akin. Hindi ko sinasabing sapat ang mga iyon para patunayang may aswang talaga, pero kakaiba yung pakiramdam na pagkatapos ng lahat ng nakita ko, saka ko lang nalaman kung ano pala ang reputasyon ng lugar na pinuntahan ko.

Mas lalo kong naisip yung dalawang lalaking nagrecommend sa akin ng waterfalls. Hindi ko alam kung alam ba nila yung tungkol sa barrio, kung talagang may magandang falls doon, o kung nagkataon lang na yung itinuro nilang ruta ay dumadaan sa lugar na iyon. Hindi ko na rin sila nakita para matanong. Hanggang ngayon, iyon ang isa sa mga tanong na hindi ko nasagot. Kung alam nila ang tungkol sa lugar, bakit nila ako pinapunta roon? At kung hindi naman nila alam, bakit walang nagsabi sa akin na may ganung kuwento pala tungkol sa barrio?

Sixteen years have passed since that experience. Nakapunta na rin ako sa iba't ibang lugar pagkatapos noon, at hindi naman nawala yung hilig ko sa solo travel. Pero may mga pagkakataon pa rin na bigla kong naaalala yung nangyari sa Basilan, particularly yung eksena sa loob ng bahay. Hindi yung kadena o yung lupa ang unang bumabalik sa isip ko, kundi yung batang nagbukas ng pinto. Hanggang ngayon, iniisip ko kung bakit hindi siya nagsalita, kung bakit bigla na lang siyang pumasok, at kung ano ang kaugnayan niya sa babaeng nakita ko.

I still don't know what I encountered that day. Posibleng may ordinaryong paliwanag sa lahat, kahit gaano pa ito kakakaiba. Posible ring may mga bagay sa lugar na iyon na hindi ko lang naintindihan bilang isang dayo. Hindi ko rin kayang patunayan kung totoo ang kuwento ng mga locals tungkol sa aswang. Ang alam ko lang, hindi ko inimbento ang takot na naramdaman ko noong gabing iyon, at hindi ko makakalimutan yung babaeng nakita kong nakakadena sa loob ng bahay.

Pero may isang bagay akong mas madalas isipin ngayon kaysa sa tanong kung may aswang ba talaga sa Basilan.

Sa dinami-dami ng bahay sa barrio na iyon, bakit yung bahay na may batang nagbukas ng pinto at babaeng nakadena ang nag-iisang bahay na nakita kong may ilaw?

At kung hindi ako nakatakbo palabas bago siya tuluyang makalapit sa akin, ano kaya ang nangyari?

Hanggang ngayon, wala akong sagot.


r/SpookyPH • • Oct 22 '26

▶︎ CAUGHT ON VIDEO WTF was that creature?!

3 Upvotes

holy shiz guys what was that. I can’t be the only one who thinks that’s like a creature of some kind??? Masyadong malaki naman yan para maging normal na animal??? Idt i’m gonna get sleep tonight 😭


r/SpookyPH • • Oct 22 '26

▶︎ CAUGHT ON VIDEO WTF was that creature?!

0 Upvotes

holy shiz guys what was that. I can’t be the only one who thinks that’s like a creature of some kind??? Masyadong malaki naman yan para maging normal na animal??? Idt i’m gonna get sleep tonight 😭


r/SpookyPH • • Oct 13 '26

👻 MULTO Real life horror experinced

3 Upvotes

Hello guys, I'm planning to make a content in my facebook page, as in gagawa palang talaga with 0 followers pa hehe.

Ang niche na gusto ko sana ay gagawa ako ng faceless story video with voice over (OWN VOICE) ng mga kwento about life, relationship, heartbreak, motivation, life lessons and horror stories

If want mo may credit sa stories na ipopost ko, drop your username, nickname or ano mang mapagkilanlan mo.

Ishi-share ko rin yung page once na set-up ko na hihi.

PS: Sa may willing lang po ito. Thank you!

Edit: Real life horror experienced


r/SpookyPH • • Sep 30 '26

👻 MULTO Totoo bang mainit sa pakiramdam ang multo?

2 Upvotes

Yung boyfriend ko kase palagi sinasabi na nakakaramdam at nakakakita sya ng multo pero mostly mararamdaman nya munang mainit.

Totoo ba?


r/SpookyPH • • Sep 29 '26

❓KATANUNGAN Am I cursed?

5 Upvotes

Hi guys! Question lang. Cuz lately parang ang weird ng stuff with me and my fam eh.

So for context, I have (or had?) this friend for a long time and we were really close. He was very different back then so we clicked. We still talk naman today pero very rare nalang kasi both kami may family na. So one day nag talk ulit kami. Catch up ganun. Tapos parang nabanggit niya na mej may envy (?) daw siya sakin kasi for him mas maayos daw life ko pero I explained na hindi and it’s not a race and reassured him na he’s doing well. He’s a single father while I’m happily married with my wife and mej oks kami financially tho we’re not rich. After that, we drifted apart for like a year or a couple tapos nalaman ko nalang bigla sa socmed na parang witch na daw siya and stuff. Chaos witch ata ang tawag dun. Now I’m not the religious type. I don’t even pray or go to masses regularly pero I grew up in a devoted Catholic household and even went to DBTI nung HS which is a Catholic school so somehow I still believe (gets ba? Parang labo) and I still fear for my soul 😭. Anyway going back, so sa socmed he’s like doing rituals and hexes? And like worshipping people or entities that are not our God. Which tbh is fine. I don’t judge kahit mej nakk off yung mga quips niya against Catholicism. Pero eversince discovering yung witchcraft stuff niya parang naging weird naman yung turn ng life namin ng wife and kids ko. Lately nahirapan kami financially kahit both kami ni wife ang working from home and earning above minimum. Pero for some reason emergencies keep happening na nadadrain kami. We can’t save, we even lost our car and had to downgrade. Tapos lately, I haven’t been happy with life (my wife is great don’t get me wrong). Even my appearance changed. I was fit back then pero now lumobo ako in a span of 2 weeks despite keeping the diet I had before.

I know mej ang bad ko for even thinking na my friend had something to do with this pero kasi I came across this Pinoy Creepypasta (Sir Nebb) wherein na transfer yung luck ni OP sa sister niya because of black magic or hex (kulam) kasi naiingit si sister so her life went upside down. When I heard that story naalala ko yung sabi sakin ng friend ko about envying me and wanting to have the life I had. Kasi mind you, before the witchcraft stuff, my wife was unemployed pero we were still doing well. Now kung kelan employed kami both and WFH pa tsaka kami minalas.

Is this a coincidence? Or may something ba? I need help. If you guys know anything or smthn please tell me. I’m desperate .


r/SpookyPH • • Sep 26 '26

😱 KWENTO NILA Invisible Beings

Thumbnail reddit.com
2 Upvotes

r/SpookyPH • • Sep 24 '26

😨 OKATOKAT Doppelganger

3 Upvotes

Random friends and family say na may doppelganger ako and they know it's not human. These are different people, different circumstances, different points in time. Some of them know each other and some saw my doppie together. Somehow if you're my childhood bestie or a close family member (even those not immediate), this is a common knowledge.

And one time ako mismo ang nakakita pero naka-talikod siya. She seemed to be trolling me coz nasa walkway ako ng bahay namin going from my parents' room to my siblings' rooms, and then once I get to the next point, she always seemed to get out of that same point (yung parang papunta ka pa lang, pabalik na ako haha). I could only see her back, parang nang-aasar na tumakbo (alam niyo yung parang pumunta kayo ng kapatid mo sa madilim at scary place tapos mag uunahan kayo lumabas haha, only that hindi ako nakikipag-unahan that time). Actually, nainis ako kasi parang pinaglalaruan ako either one of my siblings or yung yaya namin (di ko matukoy kasi nagmamadali), and ang dilim pa naman ng bahay namin (andun kami lahat sa second floor and you could see yung first floor from the stairs na walang ilaw), as well as doon sa mismong walkway (we had a habit of turning off lights pag hindi ginagamit, and that time pa-gabi na nun as can be seen from the big window along the walkway).

Then before ako darating sa room ko, dadaan muna ako sa doorways ng mga kapatid ko (tatlo yun, pang-apat yung akin). And yung inis ko naging takot kasi walang laman yung rooms nila and it's so unusual kasi ang ingay namin magkakapatid sa true lang, kasama yung yaya namin na parang tropa din. Finally, when I opened my room nakapatay yung ilaw and i found out na andun pala sila lahat and they were watching horror film kaya pala tahimik. Kaya tinuloy ko yung inis ko hahaha. I turned the lights on, and sabi ko "sino ba yung nangttrip sa akin?" and then natingin lang sila sakin lahat kasi di nila gets hahaha. And there I saw myself on the mirror wearing the same clothes and even hair bun with the one na "nang-ttrip". I was creeped out but I pretended na hindi so pinatay ko ulit yung ilaw and nakinood sa kanila.

After ng movie, sinabi ko na sa kanila and then yun naglaganap na naman ang kaingayan ng bahay namin hahaha. Tabi-tabi ata kami natulog that night.


r/SpookyPH • • Aug 28 '26

👻 MULTO I saw a White Lady

Thumbnail reddit.com
5 Upvotes

r/SpookyPH • • Aug 15 '26

👻 MULTO NAKAKITA NA AKO NG WHITE LADY HARAP HARAPAN

0 Upvotes

r/SpookyPH • • Aug 10 '26

👻 MULTO Mga mam sers share naman kayo creepy story ninyo sa akin

0 Upvotes

Mam sers share nyo naman Creepy Stories nyo sa akin itatampok ko lang sa aking yt "creepy Sardinas"


r/SpookyPH • • Aug 08 '26

🧌 MALIGNO Looking for Real Filipino Horror Stories — Kulam, Barang, Aswang, Engkanto, etc.

5 Upvotes

Hi everyone! 👋

I'm currently planning to start a small YouTube channel focused on Filipino horror stories and personal supernatural experiences.

I'm looking for people who are willing to share their own experiences involving things like:

• Kulam / barang

• Aswang

• Engkanto

• Multo / haunted places

• Or any unexplained experience that happened to you or someone you personally know

If you're comfortable sharing your story, you can comment below or send me a DM.

You don't have to reveal your real name or any personal information. I can change names and identifying details to protect your privacy.

If you allow me to use your story for my YouTube narration, I will treat your experience with respect and won't intentionally make fun of or disrespect what happened to you.

I'm especially interested in stories with details like when and where it happened, what you experienced, what happened afterward, and how you felt during the experience.

Thank you to anyone willing to share. 🙏

Disclaimer: I will only use stories with the author's permission.


r/SpookyPH • • Jul 31 '26

❓KATANUNGAN Need po asap please

1 Upvotes

Hello need ko po paranormal expert meron po ba? within metro manila lng po sana thank youuuu


r/SpookyPH • • Jul 11 '26

😱 KWENTO NILA Ang Batang 'Di Matahimik

7 Upvotes

Hindi ko alam kung naniniwala kayo sa multo, pero hindi rin naman ako ganoon dati. Kaya siguro hanggang ngayon, sinusubukan ko pa ring hanapan ng paliwanag 'to.

Ang pangalan niya ay Genri.

Dalawampu't isang taong gulang.

College student. Athlete. Academic achiever.

Noong namatay siya, sinabi sa death certificate na heart attack ang dahilan. Ang problema, wala siyang history ng sakit sa puso. Wala ring bisyo ayon sa pamilya niya.

Hindi naman ako close sa kanya. Nakakasalubong ko lang minsan pauwi galing school.

Doon na sana matatapos ang kwento.

Pero ilang araw pagkatapos ng libing niya, nagsimula ang mga usapan sa barangay.

May nagsasabing nakita raw siyang naglalakad tuwing madaling-araw.

Akala ko noong una, gawa-gawa lang. Alam niyo naman sa mga probinsya, kapag may namatay, hindi nawawala ang mga kwentong multo.

Pero habang tumatagal...

Hindi na pare-pareho ang mga taong nagkukwento.

May isa kaming kapitbahay na halos isumpa ang pangalan ni Genri.

Sabi niya, palagi raw niyang nakikitang nakatambay sa likod ng tindahan nila. May kasama raw mga lalaking gumagamit ng droga at nagyoyosi.

Pero ang asawa mismo ng kapitbahay na iyon, iba ang sinabi.

Ayon sa kanya, wala raw siyang nakitang ganoon kahit minsan.

Ang nakikita niya, si Genri raw ay madalas pang dumaan sa tapat nila para ihatid ang isang batang lalaki pauwi.

Magkaibang-magkaiba ang kwento nila kahit iisang bahay lang ang tinitirhan nila.

May isa pang nakapansin sa kanya ilang gabi bago siya mamatay.

Madaling-araw iyon.

Naglalakad daw si Genri mag-isa.

Hindi siya lasing.

Hindi rin siya nagmamadali.

Pero ayon sa nakakita...

Parang may tinatakasan siya.

Lagi raw siyang lumilingon sa likod niya.

Tapos noong tinawag siya...

Tumakbo raw siya.

Kinabukasan, nalaman nilang patay na siya.

Pagkatapos ng libing, doon na nagsimula ang mas kakaiba.

Isang lalaki ang naglalakad ng aso bandang alas-tres ng madaling-araw.

May naramdaman daw siyang may tao sa likod niya.

Paglingon niya...

May lalaking naka-jacket.

Nakatayo lang.

Hindi nagsasalita.

Ang sabi niya, hindi raw siya natakot noong una.

Hanggang sa mapansin niyang...

Si Genri iyon.

Suot pa raw ang paborito niyang pulang shorts.

May isa pang kwento.

Isang babae ang papasok sa trabaho nang may kumatok nang malakas sa gate nila.

Tahol nang tahol ang aso.

Pagbukas niya...

May lalaking naka-jacket na naglalakad palayo.

Hindi niya nakita ang mukha.

Pero pareho raw ang damit.

Hanggang ngayon, wala pa ring iisang kwento.

May nagsasabing nagpapakita siya.

May nagsasabing gawa-gawa lang lahat.

May nagsasabing may ibang tao lang na kamukha niya.

Pero isang bagay ang napansin ko.

Lahat ng nagsabing nakita nila si Genri...

Pare-pareho ang sinabi.

Hindi raw siya kailanman tumingin sa kanila.

Parang...

May iba siyang tinitingnan.

Hindi ko alam kung multo ba talaga iyon.

O baka may ibang paliwanag.

Pero kung may taga-rito rin sa inyo na nakarinig na ng kwento tungkol kay Genri...

Interesado akong malaman kung pareho rin ba ang narinig ninyo.


r/SpookyPH • • Jun 26 '26

❓KATANUNGAN Hello po

4 Upvotes

Question lang po, may meaning po ba to? Habang nagsshower po ako bigla po akong may narinig sa may right ear ko na parang tunong ng kampana ng simbahan, mahina lang po pero clear sya. Wala naman pong malapit na simbahan dito samin, wala din po akong kasama dito. Sobrang nakakapagtaka lang po kung saan nanggaling yung tunog na yun


r/SpookyPH • • Jun 22 '26

👻 MULTO HELP ME FIND THIS STORY PKEASEE

4 Upvotes

pov/narrator si guy (forgot his name) and mga characters ay si guy, danica, and tatay vince (yan lang remember ko)

si danica ay may gusto kay guy and lagi siyang nagpapapansin, tinatanong niya rin ito kung anong type niya sa babae at ang sabi ni guy ay yung honest.

so, silang tatlo ay sama samang pumunta sa barrio ng namaong nanay ni guy or asawa ni tatay vince but ang bumungad sa kanila ay katahimikan at batang nakahandusay, tinulungan nila ito. nakita ito ng nagbabantay sa bata, so si guy ay nagtanong kung nasaan ang mga tao sa barrio. sinabi ng matanda ay nasa loob ng kanilang tahanan at lahat sila may sakit. dito nila nalaman na may nangyayaring kakaiba sa barrio, kulam kumbaga.

fast forward, si danica tumutulong sa pagpapagamot sa mga tao at si guy ay paunti unti ng nahuhulog, may usapan nilang dalawa na gusto bumalik ni danica sa pagkabata para lang problema at laro lang ang nasa isip. nagtaka noon si guy kung hindi niya raw ba ito naranasan, ang sagot ay naranasan naman ngunit iba ang ekspresyon na ipinakita nito.

another fast forward, hindi pa rin gumagaling ang mga tao kaya humingi sila ng tulong sa sikat na lolong manunugis. nagbigay ito ng clue na nasa malapit lapit lamang ay posibleng aswang na pala ang kasama kaya hindi niya pwedeng sabihin kung anong nasa isip niyang gumagawa ng kulam chuchu. and binigyan din sila ng hilaw na karne upang sunugin para lumapit ang aswang.

nang sinunoy ay biglang sumama ang pakiramdam ni danica at tila bay nasusuka ito, bigla nalang itong nawala at sinundan pa ni tatay vince dahil gabi na at baka mapano pero kinabukasan na nila itong nakita. ang sabi niya ay nasuka lang ito sa amoy pero tila ba ay may kakaiba sa kaniya. nagkaroon ng suspicion si guy dahil dito.

tagalog na tagalog kasi ganan yung way of narrating. PLEASE LINK NG STORY


r/SpookyPH • • Jun 13 '26

🌌 LARAWAN creepy hand

Post image
0 Upvotes

Hi guys! Patingin naman po nitong photo na 'to and let me know what you think.

Short context: This photo was taken last month using a vivo phone at tita ko yung nasa pic. Is it possible na camera glitch lang? pero ni-compare ko yung kamay sa kamay ng tita ko, magkaiba sila eh. OFW siya at umuwi lang siya sa pinas for 1 month then balik na UAE tapos ang kwento niya mula nung bumalik siya, palagi na daw sumasakit katawan niya kahit hindi naman siya pagod. I just want to assure her na pwedeng glitch lang to hahaha


r/SpookyPH • • May 25 '26

😨 OKATOKAT ASWANG IN METRO MANILA?

43 Upvotes

Tbh, I never saw myself, as in ever, writing about aswangs. I'm not superstitious at all, dala narin siguro ng work, since im in a field that runs on facts and logic. So when I say what we've been experiencing these past few weeks has genuinely shaken me, please understand that's not something I say lightly.

Some context first, my sister is pregnant and due in about a month. We live in an old house in a subdivision in Quezon City, where my dad and his eight siblings all grew up, so it's relatively big for just the four of us now. She, her husband, and my mom occupy the ground floor, tapos puro puno yung tabi naming area. I have the entire second floor to myself but I am rarely home due to work. Also, medyo weird yung second floor since it did not utilize the entire ground floor, so my sister's room and the kitchen sit on the ground floor only, with her room facing the street directly. Her window and her small CR window both looking straight outside.

So, it na nga, at around 1:15 AM My brother-in-law (BIL, for brevity😄) was taking a bath in their CR when he heard loud, heavy banging on the roof. And before you say "ay pusa lang yan". No! Those were four footsteps, and you could hear the weight behind each one, since the roof was "lumalagatok" with every step. Around the same time, the dog of the house across from ours was howling. Not barking. Howling. The entire night. My sister didn't think much of it at first, but my BIL was convinced it was a burglar and shouted, "HOY! BUMABA KA DIYAN!" Just like that, the footsteps stopped. Completely. No trailing off, wala nalang bigla. And that bothered him more. Paano ka biglang nawala nang ganon? My sister hadn't panicked yet, but she did notice her baby had been uneasy the whole time. Kept moving.

The next day they told my mom, and that's when it clicked. A few months earlier, our neighbor who was also seven months pregnant at the time had the exact same experience. It started with a large bird perched outside their house, then came the footsteps on the roof, night after night. Her family had already warned my mom, "Huwag mo na hayaan lumabas si anak mo sa gabi. May dayo." My mom immediately put salt and calamansi on my sister's window sills, over the roof, on the balcony, everywhere. She made my sister start wearing red and black shirts. For a few nights, things were quiet.

Then it came back. My BIL, who is a doctor, finally believed na may mga aswang pala talaga.

Around 1:49 AM, they heard footsteps just outside their room. Not on the roof this time, right outside the window, and that went back and forth for over an hour (Haayyyy 😞 I'm having goosebumps just writing about this). There's no reason for anyone to be walking around the subdivision, take not more than an hour pabalik-balik. Then they started hearing subtle but rhythmic "Tik. Tik. Tik. Tik." sound.

My BIL was awake the entire time. He eventually woke my sister up. They tried recording everything on their phone, but all you can hear is their voices and the dogs howling outside. The footsteps weren't there. The tik-tik sound wasn't there. They were too uneasy to open the windows/curtains, but my BIL told me that "Alam kong kapag inangat ko yung blinds, makikita kong nandoon lang siya sa labas." He didn't open the blinds. My sister squeezed calamansi all around the room, and eventually the noises stopped.

Last night, we installed CCTV cameras covering the entire street in front of their room. I don't know what we're going to see, or what we're not going to see. But we're not taking any chances. I still don't fully know what to make of all this. Help.