r/PHikingAndBackpacking • u/TheLongestLongBoy • 8m ago
Beginner Question Ready na para sa major?
Hi, kailan niyo masasabi na ready na kayo sa major hike? Ilang beses na akong nakaakyat sa mga minor bundok pero hindi pa ako confident kung ready na ba ako sa major.
Tumatakbo lang ako 3-5x a week pero walang kahit anong strength training. Mga naakyat ko na:
Kalisungan x2 (yung isang beses umuulan)
Makiling x3 (umuulan din yung isang beses hahaha) UPLB backtrail lang lahat
Nasugbu trilogy
Sembrano traverse
Batulao
Pinatubo
Pulag via Ambangeg
Ok ako sa ascent pero mahina sa descent. Pwede na kaya to? Anong bundok ang recommended sa first major?