r/OffMyChestPH • u/Memovelvet • 8h ago
Na-aawa ako sa husband ko
My husband used to work for years sa isang Medical company na nag shutdown dahil sa AI.
He has been unemployed for 4-5 months now. I dont mind being the one working kasi he is taking care of our baby. Walang problema sakin.
Lately sinabi nya sakin na pagod na sya and gusto niyang mag work. No worries, sabi ko if makahanap ka ng work, kukuha tayo ng yaya for the baby.
So ayun nag apply apply na sya, walang nag cacallback. Mahina kasi sya sa interview, kaya tinutulungan ko talaga sya always pano ganito ganyan. Now here comes the one callback na weve been praying. A company wanted to hire him, so ayun the usual sending of videos, resume ganyan ganyan. Nag comply kami lahat.
May schedule for initial interview na!! Sobrang saya niya! Hindi namin inexpect na may mag rereach out eh. Practice kami ng practice.
Pag initial interview, pinoy yung nag interview. After 15 minutes, sinabihan sya agad na hindi sya nakapasa sa initial. Try nalang daw apply directly sa client baka may chance pa.
Na sad kami. Na disappoint din sya sa sarili niya. Mahina talaga sya mag english. Yan yunh weakness niya.
Nasaktan ako for him kasi I know how badly he wants to work and help me sa bayarin. Ayun lang, sana may company na bigyan sya ng one chance lang to prove gaano sya kagaling sa trabaho.
Medical Records Specialist sya for 6 years. Palaging top sa mga awards. Malungkot lang na just because of one weakness, hindi na agad mabigyan ng chance.
Never na late, hindi halos nag aabsent, best in overtime. He just needs that one chance, and when has that one chance, for sure hindi magsisisi employer sa kanya.