r/NursingPH • u/One_Steak3311 • 5h ago
Motivational/Advice Mahabang post na share ko lang. HAHAHA
After Day 1 ng PNLE last September madaling madali ako umuwi kasi malapit na ako mag breakdown. NP1 pa lang hirap na hirap na ako, at habang nasa biyahe pauwi tumutulo na luha ko hindi ko na napaabot ng bahay.
And today, while I was cleaning I saw my prayer journal nung review season and I stumbled upon this one prayer of mine dated August 26, 2026, it says "Hihiling na po ako ng specific na rating Lord. NP1 - 85, NP2 - 85, NP3 - 80, NP4 - 80, NP5 - 90. Total Average: 84. Okay lang po kahit hindi ganiyan kataas basta 65% up lahat ng NP at 75% ang GWA."
Natatawa ako kasi I prayed pero nakipag bargain pa ako kay Lord sa dulo kasi hindi ko sigurado kung kaya ko ba makakuha ng ganiyang rating. Pero nung nabasa ko yan narealize ko na shet yung total average ko 84.20, hindi saktong 84 pero 84 pa din HAHAHA tapos ayun I bawled my eyes out kasi how amazing diba, ang galing ni Lord. At narealize ko na totoo nga yung "Ask and you shall receive".
Nung nakita ko yung rating ko sobrang tuwa at pasasalamat ko kasi buong akala ko talaga hindi ako papasa dahil NP1 pa lang talagang kada question napapadasal na ako ng matindi, bigyan ka ba naman ng research sa unang question at nasa NP1 pa talaga nawindang talaga ang taong ito. Pero ang funny kase naka line of 9 ako sa NP1 at yun ang highest ko sa lahat ng NP.
Ako po ay average student lang, palagi din akong absent nung college ako at lalo nung review season or kung hindi man e tulog ako sa klase. Ang dami kong absent at ang recalls na nasagutan ko e wala pa yata sa lima. Kaya I am convinced na si Lord talaga lahat ng 'to. Madami akong missed na classes, tests, and recalls pero yung prayer? I didn't miss it. Every single day mula nung mag start ako mag review I wrote a prayer/message/rant on that notebook. Ang simula ko lagi ay 'I am scared, I don't know what to do, I know I always say that I trust You but I don't know how to surrender this to You, I am so anxious'. Diba? araw araw akong nagdadasal pero takot na takot pa din. Pero dun ko nabuo yung konsepto ng 'faith' sa buhay ko. Eto pala yun, yung kahit parang masusuka ka na sa sobrang takot, kaba at pag aalala e araw-araw ka pa ding bumabalik at lumalapit. Faith, for me, is coming to God with trembling hands, an anxious heart, and pages filled with everything you cannot put into words. Sobrang takot ko pero una pa lang I am sure na this journey will be my testimony. Whether I pass or fail, I believe this journey will become a testimony of God's faithfulness — of the prayers I whispered, the tears I cried, the strength I didn't know I had, and the grace that carried me through.
Ano bang sense ng post na 'to? HINDI KO ALAM na amaze lang ako kasi ni hindi ko na naalala na pinagdasal ko pala yung nakuha kong rating, biniro ko pa yung sarili ko sa dami kako naming nagdadasal kay Lord during that time, sure ako di na niya alam kung sino ba uunahin HAHAHA.
May onting message lang din pala ako sa mga magtetake ng boards next year.
Kung naghahanap ka ng sign kung papasa ka. You, waking up today was the sign. Hindi mo kailangan ng kung ano-anong sign. Yung magising ka pa lang at magkaroon ng another day to review? That was the sign. Kaya mo 'to! Maniwala ka kay Lord, maniwala ka sa sarili mo, maniwala ka sa mga taong naniniwala sayo. And remember that every time fear whispers, answer it with a PRAYER!
Yun lang! Salamat! HAHAHAHA