Hi. I have this girl na nakilala ko nung 2019. I tried umakyat ng ligaw then nalaman ko may nanliligaw pala sa kanya na kababata nya ever since. Nasa MU stage na sila. She stopped me by that time kase mahal nya yung isa. Yung name pala nung isang manliligaw is A. Yung niligawan ko is si L. Fast forward me and L still talked. Landian ganern but she is clear na mahal nya si A tapos ako gusto nya lang ako. Pero nalaman din ata ni A na naguusap pa kami ni L. So he was hurting. Ako din naman kase kahit alam kong di ako mananalo, I'm trying my best para mapasaya siya.
Come 2022 she took CPALE, board exam for accountant and she failed. Niblock siya ni A that time kase parang nagalit because of me. She was so broken that time. And actually, she was getting ready to take another board exam. We still continue talk. Sa Baguio siya nagreview na nung second time kase nung first, here sa Manila. So sabi nya mahal na niya ako that time. Walang kami pero we go out. Pinuntahan ko pa nga siya nun sa Baguio just to make her feel na di siya nag-iisa sa laban nya sa board exam.
So ayun, napasa nya yung CPALE at her second take. I was so happy for her. Then nagwork siya here sa Makati as an auditor. Fast forward. Every may gathering sila with friends, sumasama siya. Btw, nasa iisang circle sila ni A kase hs friends nga.
Kapag lumalabas sila nagaalala ako palagi. Pero sabi niya wala na daw siyang feelings kay A. Tinanong ko pa nga siya non e what if kausapin ulit siya ni A anong gagawin nya. Ang sagot nya e "Sino ba siya?"
Ayun, this 2026 Jan 2, nagkita ulit magffriends. Before that naglaro pa daw sila spin the bottle and parang natanong ng isang friend nila na walang idea kung bakit parang di na sila naguusap ni A. Nagkasagutan daw. Natapos sila nang 12AM na ata tapos wala siyang masakyan and si A parang pinasakay si L sa motor nya. Wala siyang choice tapos sumakay na lang. Tapos etong si A eh sinabihan siya na kakausapin pero ayaw nya and napilit siya ni A. Napag-usapan daw nila na gusto ulit itry ni A.
Tinanong ko siya akala ko wala na. Sabi niya akala nya din daw wala na kapag nagkakakausap sila. I'm so heartbroken right now kahit walang kami. Tapos lumabas sila ng Jan 9, without me knowing. Parang kinabahan ako kaya I stalked A and nakita ko pictures nila together and dun ko nalaman.
Jan 11 kinausap ko siya, sabi niya she love me always daw. Pero mas matimbang daw si A. Ang sakit sobra.
Lumalabas pa naman kami every weekend pero di na katulad nang dati na may paholding hands. Di na din siya naga-I love you. Di nya na nga binabanggit endearment namin na "love" eh.
Tapos lumalabas din sila kapag pumupunta dito si A. Naalala ko nga lumabas sila pero ako unang nag-aya pero di nya daw kaya because of the workload. Tapos lagi ko kase siya hinahatid sa sakayan ng bus kapag uuwi siya sa kanila sa Tarlac. Kapag sinasabihan ko siya na ihatid ko siya, sabi nya wag na daw kahit pati pagsundo kapag bumabalik na siya here sa Metro Manila.
Di ko alam gagawin ko. Mahal ko siya and gusto ko siya ipursue. Inaaya ko nga siya lumabas nang Feb 14. Bring her to a fancy restaurant but sabi niya baka daw lumabas siya. Sabi nya si A daw. I'm feeling so lost 🥺