r/MentalHealthPH • u/LavielleXO • 5h ago
STORY/VENTING I don't know what to do kasi I found out na buntis ako NSFW
Napapadalas nahhuli ko sarili ko nakatulala lang, minsan naiiyak nalang ako bigla na ewan, minsan pag nakakakain ako dito sa bahay nagbbinge ako tas sinusuka ko lang din lahat tas kakain ulit, nanlalagas na ung buhok ko ng sobra. Gustong gusto ko nalang magpalamon sa lupa o mawala nalang sa mundo kasi hindi ko kakayanin na malaman ng pamilya ko na buntis ako. Please help.
Parang sobrang bobo ko sa part na hindi dumaan ng ayos
May kinikita ako, mga 5 almost 6 months, hindi lang usap ginagawa namin, lumalabas kami and yes we had sex more than a few times, tumigil kami magusap this november. At sa sobrang stressful ng buhay ko recently kala ko dahil lang sa stress na hindi ako dinadatnan ng period. Nag pt na ako this week, and nag positive ung tatlo. Sinabi ko agad dun sa lalaki, and hindi sya makapaniwala. Sabi nya sakin wala syang maiilabas na pera.
Hindi ako makakain sa sinabi nya, kasi deretsong wala agad ung sagot. Hindi man lang sya willing na gumawa ng paraan. Nilalamon na ako ng utak ko kakaisip ko kasi hindi ko alam saan manghheram. Hindi ako maka tulog, hindi ako makasabay sa pamilya ko sa pagkain, hindi ko magawang kumilos sa loob ng bahay, aalis ako minsan at papasok, pero wala akong maintindihan sa ni isang sinasabi ng prof. Inaaya ako kumain ng mga kaibigan ko pero nasama lang ako, nagaalala na sila sakin kasi ilang araw na ako nasama lang sa kanila, nagsasabi din sila na okay lang naman sa kanila na sagutin ung pagkain ko pero nilalamon ako ng hiya kasi hindi naman nila responsibilidad yon.
Hindi ko alam gagawin ko kasi hindi din naman kami (ako at ung lalaki) galing sa maperang pamilya, at ayaw namin makarating pa sa point na malaman ng pamilya namin, so namomroblema kami ngayon saan kukuha ng pera kasi ayaw ko ituloy ung pagbbuntis, may pangarap pa ako.
Ineexpect ko na may magtatanong bakit ako nagpabuntis kung may pangarap ako, hindi ko din alam, sa sobrang gusto ko makalayo sa pamilya ko at sa gusto nilang marating ko, hinayaan ko ung sarili ko na hindi matadtad ung utak kakaisip. Ang laking pressure ung binibigay sakin ng pamilya ko araw araw, nagaabroad kasi sila dati, and nung nag recession sa country na pinagttrabahuhan nila, nag stay na kami ng permanent dito sa pinas. And for 8 years, palagi nila pinapaalala sakin na kaya nila ako pinapag aral e para maibalik ko sila sa ibang bansa. Utang na loob ko na daw yon sa kanila kasi naubos ipon nila sa pagpapaaral sakin.
Sa 8 years na yon nag struggle ako ng sobra mentally, hindi ako magkaroon ng kaibigan na maayos kasi palagi ako inaatake ng anxiety, pag nagkakaroon ako palagi ako nag ooverthink na baka iwanan ako or ipagpalit ako, tapos pag naiisip ko yon nagsself isolate ako kasi un lang ung alam kung gawin. Pag masyado nang maingay ung boses sa utak ko, nagkkulong ako sa kwarto at natutulog ng natutulog. Medyo nakaayos naman na ako recently sa mga ginagawa kong yon, nagkaroon nadin naman na ako ng ilang kaibigan, pero hindi ko magawang sabihin sa kanila ung nalaman ko ngayon kasi 4th year na kaming lahat, nagtthesis na kaming lahat, graduating na kaming lahat. Isa lang ung napagsabihan ko, pero hindi ko padin magawa sabihin sa kanya ng buo. Ung iba hindi ko alam kung sasabihan ko pa kasi ayoko dumagdag sa isipin nila, at hindi option na sabihin ko sa pamilya ko to. Hindi ko na alam gagawin ko, please.
And hindi ko alam kung relevant ba to, pero 20 lang ako, alam kong ang tanga ng ginawa ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi ayoko magkaanak, pero san ako kukuha ng pera? Hindi ko din alam kung dapat ba idisclose ko, pero nakikipost lang ako sa account ng kaibigan ko na may alam, sabi nya dito daw ako mag rant kung hindi ko kaya sabihin sa kanya, hindi nadin nya naman daw to ginagamit since early this year.