r/FilmClubPH • u/Ikigai000 • 5h ago
SPOILER The Body
SPOILER!
Hello! Series itong the body, gusto ko lang sana ipost din dito kasi baka may nakanood and magkaroon din ako ng ibang ideas or kung anong thoughts nyo.
May nakapanood na ba dito ng the body? ano thoughts nyo? medyo naguguluhan kasi ako sa ano talagang nangyari. Pero para sa akin gets ko naman yung message nung series. Dapat lang talaga open minded ko sa series kasi sensitive yung ibang scene talaga lalo na related sa religion.
Pero ayon eto yung thought ko sa series as Psych grad:
2004 kasi yung timeline sa series that time kaya sa tingin ko parang wala pa gaano paniniwala mga tao non sa mga mental health related issues. More on religon talaga. Alam din naman natin na dapat hiwalay ang Psychology sa talaga ganyan usapin.
Kaya baka yung message nung series na noong panahon nila may mga sakit or pangyayari na di mapaliwanag kasi hindi sila aware kung ano yon kaya nasasabi mga related stuffs.
Kung naalala nyo si Catherine doon sa series. Madalas sya mag episode possible may delusions sya talaga.
Nung nagsuffer kasi ako ng Depression with Psychosis ang lala ng delusions ko that time like related din sa religion. Grabe faith ko kay Lord daw non pero may paniniwala ako na maging devil ako or kukunin ako ng devil. Ganon kalala and creepy. Pero ayon naging okay nanaman ako.
Kaya ayon napapaisip ko na baka yon point nung series kahit lahat talaga may issue sa sarili eh parang karamihan may mental health illness na hindi maaddress ng tama before.
Tsaka baka parang pinapakita din siguro kung gaano mabilis maniwala ng mga tao sa mga bagay bagay kahit walang proof pa talaga na possible mauwi sa cult din.
Tapos yung mga issue din sa sexuality kasalanan na agad noon di tanggap ng simbahan ang same sex talaga.
Kaya ayon madami ka marerealize doon sa series kaso di lang type nung iba kasi disrepect daw kasi.
Pero ayon ang hindi ko lang sure kung ano ba talaga nangyari kay Grace. Naguguluhan ako sa last part talaga.