Heads up lang sa mga magtatransfer papuntang GCash today, wag muna kung ayaw niyo masira weekend niyo.
Nag-send ako from GoTyme to GCash kanina, deducted na sa GoTyme pero walang pumasok sa GCash. Kala ko GoTyme lang may topak (may nag-post din dito kanina na nag-eerror daw GoTyme to GCash nila), pero pag check ko sa X pati BDO at ibang banks pala hindi nagre-reflect. Kita naman sa screenshot, nag-reply na si GCash na "validating these transactions" daw sila, pero pag open mo ng app wala man lang banner or advisory. Magpapaiwan muna ng pera bago umamin.
Nakakatawa lang kasi Nov 2 lang nung nagka-ganito din sila na inabot ng ilang araw bago pumasok yung refund, tapos Nov 25 lang sila nag-scheduled maintenance. Ngayon payday weekend plus holiday pa sa Monday, so kung aabutin nanaman ng 2-3 banking days yung reversal good luck na lang talaga.
Honestly ang hirap na ipagtanggol ng GCash. Kung hindi lang dahil sa mga tindahan at kakilala na "GCash only" pa rin kahit may QRPh naman, matagal ko nang dinelete to at nag-stay na lang sa MariBank at GoTyme. At least yung dalawang yun libre transfer at di ka paghihintayin sa walang kwentang chatbot.
Sa mga nag-try mag-cash in today, pumasok ba sa inyo or na-floating din? Drop niyo na lang anong bank tsaka anong oras para alam ng iba kung safe na ulit.