Hi, first time cat owner here. My cat is 5 years old now and will be turning 6 this September 2026. I got her as a small little kitten back in 2020 like literally mas maliit pa sa hands ko.
Fast forward to 2023, I found out na need pa spay ang pusa if wala akong plan na magkaroon siya ng kittens. So I went to various vets and need cbc. Apparently yung result is always low platelet count. Then inaassume ng mga vet is matamlay yung pusa ko so bawal siya iproceed sa pag spay. There are time na nagsabi ako sa ibang vet na hindi naman matamlay yung pusa ko, it's just that ayaw lang ng pusa ko lumabas ng bahay or even our garage since may trauma yung pusa ko sa labas. So sapilitan ko lagi siyang pinapasok sa cage if ever want ko siya pacheckup or something. And yes, stress siya sobra ang meow ng meow kapag na sa labas na ng bahay, kaya as possible ayaw ko siya palabasin ng bahay.
Then 2025, apparently, need na ipablood chem ang cat if 5 years old above na. This time hindi ko pa pinapablood chem kasi expensive siya and alam ko ang result would still be na abnormal due to my cat being stressed kapag lumalabas ng bahay. Tapos almost 6 months ako wala sa bahay this 2025 and kakauwi ko lang ng 2026 of January. Pagkauwi ko, yan na naman siya na naghheat, pero this time, parang 2 days lang siya walang heat then until February 26, which is today, hindi pa rin tapos heat niya. So I plan na ipaspay na lang siya kahit in heat pa, pero not sure pa kung ano magiging consequence nun. Pero pupunta naman ako sa vet this saturday para mapa-checkup yung cat ko.
So my options if want ko pa-spay:
- Home service ng spay which cost more than 10k pesos, since naisip ko na baka hindi siya mastress and normal results niya if sa bahay ginawa lahat T^T
- Vet, gagastos ako for cbc, blood chem, and all, pero alam ko na magiging result niyan most likely so feel ko ayaw nila ituloy ang spay.
- Free spay sa mga barangay, I hear na may mga event parang spay day or something na free na. And walang cbc dun so it is possible na pwede ko siya pa-spay sa mga ganun, pero natatakot ako baka hindi na magising yung pusa ko since sabi ng mga vet na bawal daw sila i-spay if low platelet count
So meron po ba kayo ma-ssuggest or anything? No hate po sana. Thanks!!!
Update: Nagcbc na ko and blood chem, healthy ang result!!! So pinaproceed ko na yung spay and successful!!!!!!!!